Wandah All-Around Mix

Food & Beverage Company


Ang Wandah! All-Around Mix, na opisyal na inilunsad ng 2016, ay ang bagong brand ng Magnolia Inc., na bahagi ng San Miguel Pure Foods Company, Inc. Maraming taon nang gumagawa ang SMPFC ng mga produktong paborito ng pamilya, tulad ng Tender Juicy Hotdogs, Magnolia Fresh Chicken, Star Margarine, Magnolia Milk at iba pa.

Makabagong food enhancers ang Wandah! na magbibigay kulay sa pagkaing pampamilya, mapa-sawsawan, palaman o panluto man. Bilang tagapanguna sa paggawa at pag-offer ng powdered no-cook type na condiments, ang mga simple at pang araw-araw na pagkain ay ginagawang Wandahful creations ng Wandah!, na tiyak ma-eenjoy ng pamilyang Pilipino nang hindi gumagastos nang malaki.

Kaakibat ang San Miguel Pure Foods Culinary Center, lahat ng recipes ay kitchen-tested ng mga chefs para masiguradong kayang-kayang gawin sa bahay ang masasarap, madaling iluto, sakto sa budget, pero leveled-up na mga putahe.

Ang Wandah! All-Around Mix ay may sweet tomato catsup, gravy, cheese, mayo at creamee variants.

For feedback and inquiries, you may call the SMC Customer Care Center at 632-2000