Brigada News Fm Cotabato City

Broadcasting & Media Production Company

" Ang Makabagong tunay na Radyo"

0:04
DRUG-DEN sa Lungsod ng Cotabato sinalakay ng PDEA-BARMM! COTABATO CITY—- Isa ang sugatan, at limang iba pa ang natimbog sa buy-bust operation kagabi bandang 8:40, sa Purok Talitay, RH7, ng mga operatiba ng PDEA-BARMM, kasama ang Police Station 2, CPDEU-CCPO at ng 5th Special Force BN, PA. Sa inisyal na impormasyon mula sa kay Agent BigFace ang Team Leader ng PDEA operatibes, sinalakay nila ang isang pamamahay na ginagawang drug-den na pagmamay-ari ni Michael Mohamad, 48 anyos, matapos iabot ang isang medium size na hinihinalang shabu more or less 5grams, at tanggapin ang 10 Thousand Peaos boodle money mula sa isang posuer buyer na PDEA Agent. Nang matunugan ng mga parokyano sa loob ng drug-den, nagsipagtakbohan ang mga ito, isa rito ay si Ameer Hussein Abedin, 26 na akmang bumunot ng baril, kaya ito pinaputokan agad ng PDEA Operatives at tinamaan sa kanyang kaliwang pigi. Agad ding isinugod sa CRMC upang magamot ang natamong sugat nito at sa kasalukoyan na nasa ligtas ng kalagayan ayon pa kay Agent BigFace. Nasamsam ng PDEA Operatives sa loob ng drug-den MOL 5 gramo ng droga na object of sale, at MOL 20 grams na nasa dalawang medium size na pakete, suma total na MOL 25 grams at may street value na 175 Thousand pesos. BUkod sa droga, nakompiska din ng mga otoridad ang mga all weather tooter, mga gunting, empty transparent plastics na may residue ng shabu, anim na ibat-ibang klasi ng cellphones, tatlong pitaka at mga ID ng mga nahuling suspect na sina Mohamad Abdulmanan Gani, 32 aka Faisal Mohamad, Shirad Abedin, 34, Silongan Tato Patadon, 50 at si Benjie Olobalang, 24. Ang mga nahuling suspect ay nasa PDEA-BARMM Custodial Facilities, at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Compeehensive Dangerous Drug Act 2002. (Alejandro bapa Jay Lasola)
2 months ago